Suspendido ang pasok sa paaralan sa ilang lugar dahil sa masamang panahon at epekto ng Bagyong Goring.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Aabot sa 186 na mga paaralan ang nagsuspinde ng pasok mula sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang suspendido rin ang aabot sa 50 pasok sa trabaho dahil epekto ng bagyo.
Patuloy na pinag-iingat ng kinauukulan ang mga residente lalo na sa flood at landslide-prone areas.
Facebook Comments