Pasok sa paaralan at trabaho sa ilang lugar, suspendido parin dahil sa epekto ng Bagyong Hanna

Nananatiling suspendido ang pasok sa paaralan sa ilang lugar sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Hanna at habagat.

Base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) aabot sa 298 na mga paaralan ang nagsuspinde ng pasok sa Regions 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA at CAR

Habang suspendido rin ang aabot sa 112 na pasok sa trabaho dahil epekto ng bagyo.


Ang suspensyon ng pasok sa eskwelahan at trabaho ay bunsod ng naranasang malakas na ulan at pagbaha dulot ng bagyo kung saan ang ilan sa mga paaralan ang nagsisilbi ding evacuation center.

Sa pinakahuling datos sumampa na sa 114,000 pamilya o katumbas ng mahigit 418,000 indibidwal ang apektado ng masamang lagay ng panahon mula sa 8 rehiyon sa bansa.

Facebook Comments