Pasok sa Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan, Sinuspinde Ngayong Hapon!

*Cauayan City, Isabela- *Sinuspinde ni City Mayor Bernard Dy ang pasok sa Cityhall ngayong hapon bilang paghahanda na rin sa pagdating ng bagyong Rosita dito sa ating Lalawigan.

Ito ay kanyang inihayag sa isinagawang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan kaninang umaga kung saan nagbigay ito ng maigting na pagpapaalala at pag-iingat sa lahat ng Cauayeño para sa papalapit na bagyong Rosita.

Kaugnay nito ay tinalakay naman ni City Councilor Caesar Dy, ang Sectoral Head ng City Agriculture ang mga nagawang accomplishments ng kanyang pamunuan para sa mas produktibong pamamaraan sa pagsasaka.


Ito ay ang kanilang pagkakaroon ng small impounding Irrigated system para sa mga magsasaka, pagkakaroon ng drying pavement, pamamahagi ng mga binhi at iba pang mga accomplishments.

Aniya, Nasa higit limampung porsiyento na umano sa mga magsasaka ngayon ang sumusunod sa kanilang isinusulong na makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

Facebook Comments