Pasok sa pampubliko at pribadong paaralan, pinalawig pa hanggang Martes, Oktubre 17 sa Marikina City

Inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na extended pa ang suspensyon ng klase sa mga public at private school sa buong lungsod hanggang Martes, Oktubre 17, sa susunod na linggo.

Ayon kay Mayor Teodoro, ginawa ang pagpapalawig ng suspensyon ng klase bilang konsiderasyon sa mga apektadong guro at mag-aaral ng lungsod na kasalukuyang bumabangon mula sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Paliwanag ng alkalde, wala pa ring klase sa lungsod dahil nakalubog pa rin ang Marikina at wala ring internet connection bukod pa sa maraming modules ang nalubog sa putik, kaya’t maglilinis pa ang mga residente ng kanilang mga bahay.


Dahil sa matindinding pinsala ng Bagyong Ulysses, inilagay ni Teodoro sa state of calamity ang lungsod.

Sa ilalim ng state of calamity, pinapayagan ang lokal na pamahalaan na gamitin ang kanilang calamity funds para asistehan ang mga apektadong residente.

Malaking bahagi ng Marikina ang lubog sa baha matapos umapaw ang Marikina River dahil sa magdamag na pagbuhos ng ulan dala ng Bagyong Ulysses.

Facebook Comments