PASOK SA PUBLIC AND PRIVATE SCHOOL SA ISABELA, KANSELADO BUKAS!

Cauayan City, Isabela – Nagdeklara na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ng kanselasyon ng klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan gayundin sa pampubliko at pribadong tanggapan sa buong lalawigan bukas.

Ayon sa executive order number 56-2019 na inilabas ni Isabela Governor Rodito Albano, ito ay upang lalong mapaghandaan ang pagtama ng bagyong Ramon sa lalawigan. Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA-DOST, ang tropical storm Ramon ay inaasahang mag land fall sa Isabela-Cagayan sa araw ng Sabado, November 16.

Gayumpaman, mananatiling bukas ang mga hospitals at mga tanggapang kasali sa pagbibigay ng batayang serbisyo tulad ng pangkalusugan at iba pang opisina na kailangan sa mga panahong ngayon tulad ng rescue and emergency response unit.


Samantala patuloy na inaalam ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang pinsalang dulot ng pagyanig sa lalawigan.

Matatandaang niyanig ang lalawigan ng Quirino ng magnitude 4.8 na lindol kagabi ganap na 10:28 partikular sa bayan ng Nagtipunan. Ilang mga kabhayan at gusali ang nagkabitak bitak dahil sa lindol.

Nakatakda ring magsagawa ng earthquake drill ngayong araw ang PNP. Ito ay bilang pagtalima sa National simultaneous drill na nauna nang ipinalabas ng PNP.

Attachments area

Facebook Comments