Pasok sa Senado, Suspendido na ngayong hapon

Suspendido na ang pasok sa Senado ngayong hapon bunsod ng masamang panahon.

Sa ibinabang advisory, inatasan ni Senate President Chiz Escudero na hanggang alas-dos ng hapon na lamang ang pasok ng Senado ngayong hapon.

Ang pinaikling working hours sa mababang kapulungan ay dahil sa walang tigil na pagulan at pagbaha na sa maraming lugar sa Metro Manila.

Samantala, ang Office of the Sergeant-at-Arms at Maintenance and General Services Bureau na may shifting schedule ay hindi naman kasama sa pinaikling working hours ngayong araw.

Facebook Comments