PASOK SA TRABAHO, KLASE SA CAGAYAN, SINUSPINDE

Cauayan City, Isabela- Suspendido ngayong araw, September 10, 2021 ang pasok sa trabaho at klase sa lahat ng antas mapa-publiko at pribado man sa buong lalawigan ng Cagayan dahil sa banta ng Bagyong Kiko.

Mananatili ang suspensyon hanggat hindi ito binabawi ni Governor Manuel Mamba.

Ginawa ang suspensyon para makapaghanda ang mga mamamayan sa malaking banta ng bagyong “Kiko”.


Kaugnay nito, nanawagan ang ama ng Lalawigan na samantalahin ang suspensyon ng trabaho para kumpunihin at higpitan ang mga kailangang ayusin sa tahanan at anihin na rin ang mga pwede nang anihin bago pa tumama ang paparating na bagyo.

Hiniling din ng alkalde sa mga frontliners ang ibayong paglilingkod lalo at sa gitna ng pandemya ay mayroon pang banta pa ng kalamidad.

Facebook Comments