PASOO, nakikipag-ugnayan na sa DOH  kaugnay ng kampanya kontra obesity

Kasabay ng pagdiriwang ng World Obesity Day, magkatuwang na pinag-aralan ng Novo Nordisk Philippines at Philippine Association for the Study of Overweight and Obesity o (PASOO) ang pinag-uugatan ng obesity.

Sa harap ito ng nararanasang diskriminasyon ng mga taong may labis-labis na timbang o obese.

Ayon kina Dr. Mia Fojas,pangulo ng PASOO at Dr. Ahsan Shoeb, Head ng Clinical, Medical, Regulatory, Quality and Pharmacovigilance… ang maling lifestyle tulad ng maling diet at kakulangan sa ehersisyo ang pangunahing ugat ng obesity hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.


Babala nina Dr. Fojas at Dr. Shoeb, kapag mataas ang Body Mass Index ng isang indibidwal, sila ay nanganganib sa non-communicable diseases tulad ng hypertension, diabetes, steatohepatitis, cardiovascular diseases, musculoskeletal disorders, at cancers.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na sa DOH ang PASOO at Novo Nordisk Philippines para maipalaganap ang mga impormasyon sa pag-iwas sa obesity na itinuturing nang isang uri ng sakit o complex at chronic disease.

Tiniyak naman  ng Novo Nordisk Philippines ang commitment nito sa paghahanap ng solusyon para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng obesity.

Facebook Comments