Passenger at commercial flights palabas at pabalik ng Pilipinas, pansamantalang sinuspinde ng MIAA

Pansamantalang sinuspinde ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga passenger at commercial flights palabas at pabalik ng Pilipinas simula ngayong araw, May 3.

Ayon sa MIAA, ito ang naging desisyon ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. para mapigilan ang biglaang pagkalat pa ng COVID-19.

Pero tuloy pa rin ang operasyon ng mga cargo, utility at maintenance flights.


Sa ilalim ng guidelines na inilabas ng Malacañang, papayagan ang land, air at sea travel ng mga uniformed personnel at ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na nakatalaga sa pagbabiyahe ng mga medical supplies at laboratory specimens kaugnay ng COVID-19 gayundin ang iba pang relief at humanitarian assistance.

Samantala, inatasan ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at iba pang airport authorities na seryosong ikonsidera ang muling pagbubukas ng mga paliparan sa mga lugar na sakop ng General Community Quarantine (GCQ).

Facebook Comments