Passenger at commercial flights sa 9 na paliparan sa bansa, isang linggong suspendido

Nagpalabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagsususpinde sa domestic, international, passenger at commercial flights papasok at palabas ng bansa.

Tatagal ito ng isang linggo na nagsimula na kaninang kaninang alas-8:00 ng umaga.

Ang suspensyon ay kasunod ng naging desisyon ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na layong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Sakop ng NOTAM ang siyam na paliparan sa bansa kabilang ang mga sumusunod:

  1. Ninoy Aquino International Airport
  2. Davao International Airport
  3. Clark International Airport
  4. Iloilo International Airport
  5. Mactan-Cebu International Airport
  6. Zamboanga International Airport
  7. Kalibo International Airport
  8. Laoag International Airport
  9. Puerto Princesa International Airport

Habang tuloy ang operasyon ng cargo, sweeper, medical, utility at maintenance flights.

Samantala, ang mga international flights na nais lumapag at umalis ng bansa ay dapat na mag-request ng exemption sa CAAP OPCEN, 36 na oras bago ang nakatakda nitong pag-alis mula sa panggagalingan nitong lugar.

Facebook Comments