Palalakasin ng Bureau of Immigration sa tulong ng United Nations Office of Counter Terrorism (UNOCT) ang passenger data system ng bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang sistema ay panibagong dagdag na seguridad upang protektahan ang bansa laban sa banta ng international terrorist.
Sa ilalim nito, palalakasin ng ahensya ang palitan ng Advance Passenger Information (API) at Passenger Name Record (PNR) at iba pang impormasyon na nakolekta mula sa pasahero ng eroplano at mga barko.
Ang mga data ng API at PNR ay naglalaman ng impormasyon ng isang traveller bago ang kanyang pag-alis at bago magpa-book ng ticket at iba pang impormasyon sa kanyang pasaporte.
Kasama ang data sa Bl advance passenger information system (APIS) na matatanggap ng Immigration bago ang pagsusuri at trends analysis na magagamit sa mas maayos na border management.
Kumpiyansa rin si Tansingco na mapapalakas ng mga kasaping bansa ang kanilang pagbabantay laban sa anumang banta sa kani-kanilang estado.