Passenger experience at air connectivity sa bansa, target paghusayin ng pamahalaan

Inilatag ng pamahalaan ang mga hakbang na kailangang gawin upang mapabuti ang karanasan ng mga pasahero at mapaunlad ang air connectivity sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Manuel Antonio Tamayo na kasama rito ang pagpapahusay ng air navigation system upang mapababa ang separation distance ng mga aircraft habang lumilipad.

Ang usual separation aniya ng mga eroplano ay nasa 80 milya pero kung mapapaganda ang sistema ay maibababa ito sa 50 milya muna hanggang sa maging 30 milya sa hinaharap.


Binigyang-diin ni Tamayo na kailangang gawin ito nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng mga pasahero.

Dagdag pa ng opisyal, kailangang maging ‘on time’ ang mga flight upang mapahusay ang efficiency ng operasyon sa mga paliparan.

Facebook Comments