Passenger safety certificate ng tumagilid na barko sa Misamis Oriental, sinuspinde ng MARINA

Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang passenger ship safety certificate (PSSC) ng tumagilid na barko sa Laguindingan, Misamis Oriental.

Ibig sabihin, hindi muna papayagang makabiyahe ang barko hangga’t nagpapatuloy pa ang inspeksyon at imbestigasyon sa insidente.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), tumagilid ng 30-degree ang MV Filipinas Cagayan de Oro (CDO) habang naglalayag sa karagatan ng Laguindingan, Misamis Oriental, patungong Cebu dahil sa masamang panahon.


Ligtas namang nakabalik sa Port of Cagayan de Oro, ang MV Filipinas CDO, alas 11:20 kagabi.

Samantala, epektibo ang suspension ng PSSC ng barko hangga’t nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

Facebook Comments