Passenger vessel, nasunog sa Bohol

Nasunog ang isang barko habang naglalayag patungong Leyte, dakong ala una ng hapon.

Ayon sa Philippine Coast Guard, galing sa Ubay, Bohol ang MBCA Mama Mary Chloe at nasa karagatang sakop na ng Tugas at Tilmobo Islands nang ito ay masunog.

Sakay ng barko ang nasa 157 pasahero, kabilang ang 15 mga bata at walong crew members.


Isang 53-anyos na lalaki ang naiulat na nasawi sa insidente habang isa pa ang nawawala.

99 naman sa mga nakaligtas ang dinala sa Port of Hilongos, 27 sa Tugas, Carlos P. Garcia at 34 sa Gaus Island.

Ayon sa PCG Station Eastern Bohol, may carrying capacity na 236 passengers ang nasabing barko.

Dahil dito ay inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments