Passenger vessel, sumadsad sa baybayin ng Masbate —PCG

Isinailalim sa indefinite suspension ng Maritime Industry Authority (MARINA) Region 7 ang isang vessel na sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan ng Masbate.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nangyari ang pagsadsad ng MV Filipinas Surigao Del Norte sa karagatang sakop ng Dimasalang, Masbate.

Nang matanggap ang ulat, agad na nakipag-ugnayan ang Coast Guard Sub-Station Masbate sa kapitan ng barko at inatasan itong manatili muna upang magsagawa ng inspeksyon sa ilalim ng barko.

Pero ipinagpatuloy ng kapitan ang pagbiyahe patungong Pier 1, Cebu City.

Dahil dito, agad na ipinadala ng Coast Guard ang BRP Sindangan para mag-escort at tiyakin ang ligtas na paglalayag ng barko na may sakay na 221 na pasahero.

Bukod sa suspensiyon, inatasan din ang pamunuan ng MV Filipinas Surigao Del Norte na makipag-ugnayan sa isinasagawang imbestigasyon.

Facebook Comments