Passport applicants, maaari nang magbayad sa credit o debit cards

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaari nang idaan ng passport applicants ang kanilang bayad sa pamamagitan ng credit at debit card.

Ayon sa DFA, nakipagtulungan na sila sa PayMaya Philippines Inc. na nagpapahintulot sa higit pang mga pagpipilian sa pagbabayad ng publiko.

Ang mga aplikante ng pasaporte na nakakakuha ng online appointment ay maaari na ngayong magbayad via online sa pamamagitan ng kanilang debit card o credit card.


Ito ay taliwas sa dating sistema na over-the-counter ang pagbabayad o di kaya ay sa Bayad Center kung saan kailangan pang umalis ng tahanan.

Facebook Comments