Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na available na rin sa Passport Online Appointment System (OAS) ang pagpapa-deliver ng pasaporte sa mga applicant.
Ayon sa DFA, sa online na rin maaaring gawin ang pagbabayad sa passport processing fee at courier fee.
Ito ay kahit may mga opsyon pa rin naman ang mga aplikante na kunin sa consular office ang kanilang pasaporte sa halip na ipa-deliver.
Gayunman, binigyan-diin ng DFA na mas ligtas kung mag-a-avail na lamang ng courier service para maiwasan ang exposure ng bawat aplikante sa pagpunta sa consular office.
Una nang nag-anunsyo ang DFA na maaari nang magbayad ang passport applicants sa pamamagitan ng kanilang debit o credit card upang maiwasan ang exposure sa ibang tao sa harap ng banta ng COVID-19.