PASSPORT APPLICATION | DFA, Nagpatupad ng bagong payment system

Manila, Philippines – Ipinatupad na ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) ang bago nitong payment system para maresolba ang lumalaking backlog ng passport applications at maalis ang mga fixers na nagbebenta ng appointment slots sa mga aplikante.

Simula ngayong buwan, ang lahat ng passport applicants sa DFA-Aseana office sa Parañaque ay kailangan munang magbayad ng processing fees sa mga authorized payment center bago ang kanilang scheduled appointment date.

Ipatutupad din ito sa iba pang consular offices sa Metro Manila sa susunod na buwan at sa Agosto naman para sa iba pang panig ng bansa.


Sa pamamagitan ng bagong sistema, hihikayatin nito ang mga passport applicants na magpakita sa kanilang scheduled appointments dahil ang hindi refundable ang babayaran nilang fees.

Facebook Comments