Passport appointment slots para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, nananatiling available – DFA

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatiling available ang online appointment slots para sa passport applications para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.

Sa abiso ng DFA, pinayuhan nito ang publiko na bisitahin ang consular service online para tumingin ng slot.

Kung ang aplikante ay wala nang nakitang appointment slot sa site ay maaring nakuha na ito.


Kinakailangan lang na i-reload o i-refresh ang webpage dahil ang online appointments ay nagiging available ‘from time to time’.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nagiging available ang mga bagong slots simula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-9:00 ng gabi, Lunes hanggang Sabado maliban sa holidays.

Mula nitong June 18, nagbukas ang DFA ng 10,000 bagong slots kung saan 5,000 sa tanghali at 5,000 sa gabi.

Facebook Comments