Passport backlog, umabot na sa tatlong milyon – DFA

Aminado ang Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot sa tatlong milyon ang backlog ng Philippine passports.

Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. matapos ibahagi ng isang netizen na nakakuha lamang siya ng appointment slot sa ASEANA Branch ng DFA matapos ang multiple refresh ng webpage at pagpunta sa iba’t ibang sites.

“You got it. We have a backlog of 3 million passports,” sabi ni Locsin sa kaniyang tweet.


Una nang nagbabala ang DFA sa publiko laban sa mga lumalabas na advertisements sa social media na nag-aalok ng passport slots o pekeng appointment documents kapalit ng pera.

Nabatid na naging pahirapan ang pagkuha ng passport appointments dahil ang DFA consular offices sa rehiyon, na kadalasang matatagpuan sa loob ng mall ay kailangang maglimita ng operasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments