Passport ni Congressman Arnolfo Teves Jr., posibleng ikansela na rin ng pamahalaan

Posibleng maging option ng pamahalaan ang pagkansela sa pasaporte ni Congressman Arnolfo Teves Jr., para mapabalik ito ng bansa.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla sa harap ng kabiguan ni Teves na umuwi ng Pilipinas kahit napaso na ang travel authority nito mula sa Kamara.

Pero nilinaw ni Remulla na kailangang masunod ang mga proseso sa kanselasyon ng mga dokumento lalo na’t ang right to travel ay ginagarantiyahan ng Saligang Batas.


Ayon sa kalihim, ang pasaporte ay inisyu ng pamahalaan para sa pagkakilanlan ng isang tao para ito ay makabiyahe.

Samantala, inihayag ni Remulla na batay sa impormasyon nila ay nasa Timog- Silangang Asya ang kongresista.

Bunga nito, muling nanawagan ang kalihim kay Teves na umuwi na ng Pilipinas at harapin ang mga reklamo laban sa kanya.

Facebook Comments