Passport on Wheels dinala ng DFA sa Cebu

Hindi lang isa, kundi dalawa ang ipinadala ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na mega vans bilang bahagi ng Passport on Wheels (POW) mobile outreach service sa SM Seaside City sa Cebu.

Dahil dito, halos 2,000 applicant ang kayang pagsilbihan bawat araw ng dalawang ‘Passport on Wheels’ mega van ng Department of Affairs (DFA) sa Cebu City.

Ang processing ay magsisimula ng ika siyam ng umaga hanggang ika lima ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado, maliban sa Chinese New Year (February 5) at Cebu City Charter Day (February 24).


Ang mga mamamayan ng Cebu ay sa backlog sa pagproseso ng mga aplikasyon. Kabilang sa mga nakakaranas ng hirap sa pagkuha ng online appointment upang mag-aplay o mag-renew ng kanilang mga pasaporte.

Ayon sa DFA ang Passport on Wheels program ay dinisenyo upang maresolba ang dumadaming bilang ng mga gustong makakuha o makapag-renew ng pasaporte.

Ipoproseso ng mega van ang mga bagong applications at renewal ng passports hanggang March 2.

Ang mga mega vans ay mga heavy duty na mga sasakyan na dinisenyo upang maabot ang malalayo at bulubunduking munisipyo.

Ito na ang ikalawang Passport on Wheels sa Cebu ngunit sa pagkakataon na ito, gagawin itong 22 araw, kumpara sa Passport on Wheels noong nakaraang Agosto ng 2018, na tumagal lamang ng isang linggo.

Facebook Comments