PASSPORT ON WHEELS, ISINAGAWA SA KAPITOLYO NG ISABELA

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng isang araw na mobile passporting ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela para sa mga magsasakang aplikante sa Seasonal Agricultural Sector Development Exchange Program sa South Korea.

Isinagawa ito ngayong araw, Abril 26, 2022 sa Capitol Amphitheater, Alibagu, City of Ilagan na kung saan tinatayang aabot sa limang daang farmer applicants ang natulungan ng Passport on Wheels.

Isa ito sa mga hakbang ng pamahalaang panlalawigan sa tulong ni Governor Rodito Albano III para sa mas mabilis na pagproseso at renew ng passport ng mga magsasakang kwalipikado sa naturang programa ng pamahalaan.

Sagot naman ng Provincial Government ng Isabela ang passport fees ng mga naturang aplikanteng magsasaka.

Facebook Comments