Aarangkada na ang programang passport on wheels ng Department of Affairs (DFA) sa Camarines Sur ngayon araw.
Mahigit sa 4,000 applikante ang pagsisilbihan sa dalawang araw na ‘Passport on Wheels’ program ng kagawaran sa lalawigan, mula March 13 hanggang March 14.
Kanilang i-accommodate ang 2000 pre-screened applicants bawat araw, mula 8 a.m. hanggang 5 p. m. sa Sangguniang Panlalawigan building.
Habang ang ikalawang araw ay gaganapin sa Capitol Convention Center, sa kaparehong oras.
Ang CamSur Public Employment Service Office (PESO) ang nakipag ugnayan sa DFA para sa schedule ng mobile passport service at kumulekta ng isinumiteng kopya ng application form ng mga aplikante.
Ang Passport on Wheels program ay ilan lamang sa mga repormang pinasimulan noong nakaraang taon ng DFA na layon maibsan at matiyak na ang production backlogs ng pasaporte ay matugunan sa lalong madaling panahon.