Passport on Wheels ng DFA, muling umarangkada sa Taguig City

Courtesy: I LOVE TAGUIG Facebook

Umaarangkada muli ang Passport on Wheels sa lungsod ng Taguig upang ilapit sa mga residente nito ang serbisyo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Umabot sa mahigit 500 na mga Taguigeño ang nakapag-asikaso ng kanilang pasaporte sa ikalawang araw ng Passport on Wheels na ginanap sa Taguig City University (TCU) Auditorium sa Brgy. Central Bicutan.

Sa ilalim ng programang ito ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng opisina ng Civil Registry at ng DFA, nagiging madali para sa mga mamamayan ang pag-apply ng pasaporte.


Mula sa verification hanggang sa biometrics encapturing maging sa pag-deliver ng pasaporte, maaasahan na mabilis ang serbisyo.

Facebook Comments