Manila, Philippines – Isasagawa sa January 23 ang kauna-unang Passport on Wheels ng Department of Foreign Affairs, sa Ayala Mall South Park, sa Muntinlupa City.
Ayon kay Tez Navarro, Public Information Officer ng lungsod, ang Muntinlupa ang magsisilbing pilot LGU para sa programang ito ng DFA na naglalayong mapadali ang aplikasyon ng pasaporte para sa publiko.
Base aniya sa mandato ng DFA, ang unang 1 libong aplikante, residente man o hindi ng Muntinlupa, ang makikinabang sa Passport on Wheels ng DFA.
Magsisimula bukas, ang pamamahagi ng application form, sa Muntinlupa City Hall, simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Nakapost na rin sa Facebook page ng Muntinlupa LGU ang mga requirements para sa pagkuha ng pasaporte.
Facebook Comments