Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, ang paglulunsad ng Passport Online Appointment System sa Hong Kong.
Ayon kay Sec. Locsin ang OAS ay naglalayong mabawasan ang mahabang pila sa passport appointment.
Sinabi pa ni Locsin na kahit na ipinatutupad ang OAS sa lahat ng consular at satellite offices sa bansa, ito naman ang kauna unahang beses na ipapatupad ito abroad.
Kasunod nito nagpasalamat si Consul General to Hong Kong Antonio Morales kay Secretary Locsin sa pagpili sa Hong Kong bilang unang makakaramdam ng Passport Online Appointment System.
Sa datos ng DFA mayroong higit 234,000 Filipinos sa Hong Kong at mayroong mahigit 215,000 o 92 percent sa mga ito ay household service workers na kadalasan ang day off ay linggo.
Nuong isang taon nakapag isyu ang konsulada ng higit 48,000 passports sa mga Filipinos sa Hong Kong.