Passport Service Program ng DFA sa Tarlac, suspendido sa Huwebes

37

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) na pansamantalang suspendido sa Huwebes, May 28, 2020, ang kanilang Passport Service Program (PSP) sa Paniqui, Tarlac.

Kaugnay ito ng pag-obserba ng Araw ng Lalawigang Tarlak o ang 146th Founding Anniversary ng probinsya ng Tarlac.


Muli namang magbubukas ang operasyon ng PSP Tarlac sa Biyernes, May 29, 2020, kung saan i-a-accommodate ang mga aplikanteng may schedule ng May 28.

Ang mga aplikante naman na may emergency na pangangailangan ay pinapayuhan na tumawag sa PSP Paniqui sa pamamagitan ng mga sumusunod na contact numbers: 0950 418 7987 (Smart) at 0956 249 2312 (Globe).

Facebook Comments