Pastillas modus, gamit ng mga tiwaling Immigration official’s para pagkakitaan ang pagpasok ng mga Chinese sa bansa

Sa tantiya ni Senator Risa Hontiveros, ay halos isang bilyong piso ang kickback na mga tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration o BI mula sa mga Chinese na pumupunta sa bansa.

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ay isang video ang inilabas ni Senator Hontiveros.

Ipinapakita nito ang pag-escort ng isang Bureau of Immigration official sa isang Chinese National na dumating sa paliparan na malinaw aniyang paglabag sa standard procedure kapag may dumadating na dayuhan sa bansa.


Sa impormasyon ni Hontiveros, karamihan sa mga Chinese na ito ay nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO pero tourist visa lang ang kanilang hawak.

Ayon kay Hontiveros, base sa pastillas modus ay magbabayad sila ng tig-10,000 para hindi masita ng immigration pagdating sa airport at mayroon pa silang welcome committee o VIP treatment.

Facebook Comments