Kanyang tanggi at paglilinis ng sarili ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na pinangalanan ni Immigration Officer 1 Allison Alex Chiong na sangkot sa ‘pastillas’ modus.
Ito ang kanilang iginiit sa pagharap sa pagdinig ng Commitee on Women, Children and Family Relations na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros.
Pangunahin dito si dating BI Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, hindi niya alam ang pastillas scam at walang ganito sa panahong nasa ahensya pa sya.
Paliwanag pa ni Mariñas, lehitimo ang transaksyon sa immigration na ipinakita sa video sa pagdinig ng senado pero nilagyan ng malisya ni Chiong na aniya ay nasuspinde dahil sa administrative case.
Idinahilan naman ni Mariñas ang pagkawala ng kanyang 201 file kaya hindi sya nakapagsumite ng statement of assets liabilities and networth noong 2014, 2015, 2016 at 2018.
Itinanggi din ni Mariñas na sya ang nagtalaga kay Traffic and Control Enforcement Unit Head Erwin Ortanez na ayon kay Chiong ay sangkot din sa pastillas scam.
Sa hearing ay ipinaliwanag naman ni dating security guard sa immigration na si Fidel Mendoza na kaya siya nagkaroon ng 7.8 million pesos na networth ay dahil 4 na taon siyang seaman at may construction business din.