Maaari muling imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang “pastillas” scheme matapos maaresto ang legal section chief nito matapos maaktuhang tumatanggap ng lagay para hindi maisama ang ilang indibidwal sa prosecution ng kaso.
Nabatid na inaresto si NBI Legal Assistance Bureau Chief Joshua Paul Capiral sa ilalim ng entrapment operation.
Ayon kay Department of Justice Undersecretary Markk Perete, kung mayroong mga ebidensya mula sa dating imbestigasyon ang nakompromiso ay pwede silang magsagawa muli ng imbestigasyon.
Sinabi rin ni Perete na nakatutok din sila sa pagdinig ng Senado hinggil dito.
Nabatid na naghain ang NBI sa Office of the Ombudsman ng criminal complaint laban sa 19 na opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa pastillas s