PASTOL NG ITIK, PATAY MATAPOS MAGBIGTI

Cauayan City – Tinuldukan na ng isang lalaki ang kanyang sariling buhay dahil umano sa problema sa pamilya sa Brgy. Lepanto, Quezon, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay PMAJ Clarence Labasan, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na bago mangyari ang insidente ay nakipag-inuman pa umano ang biktimang si alyas “Rey” sa kasamahan nito kung saan nabanggit nito ang kagustuhan nitong kitilin ang sariling buhay.

Dahil sa takot, itinago ng kasamahan nito ang mga patalim upang hindi sana magamit ng biktima ngunit kinabukasan, nagulat na lamang ito ng matagpuan si Alyas “Rey” na nakabigti at isa nang malamig na bangkay.


Samantala, kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na nagpatiwakal nga ang kanilang kaanak at walang nangyaring foulplay.

Nagpaalala naman si PMAJ Clarence Labasan sa publiko na tuwing may kinakaharap silang problema, piliing lumapit at makipag-usap sa kinauukulan sa halip sa kitilin ang sarili nilang mga buhay.

Facebook Comments