Pastor Apollo Quiboloy, binatikos ni PBBM sa paggamit ng mga taga-sunod para hindi maaresto

Tahasang binatikos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Pastor Apollo Quiboloy sa tila paggamit nito sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para hindi siya maaresto.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos, nauunawaan naman daw niya ang galit ng mga taga-sunod ng pastor, pero ginagawa lamang ng mga pulis ang kanilang tungkuling isilbi ang arrest warrant.

Giit pa ng pangulo na walang kasalanan ang mga miyembro ng KOJC at hindi sila sumali sa KOJC para ilagay sa frontline ng tensyon.


Kinwestyon din ni Pangulong Marcos ang pag-protekta sa pastor mula sa pag-aresto gayong may mga kinahaharap din itong kaso sa Amerika, bukod pa sa mga kaso dito sa Pilipinas.

Matatandaang ilang beses nang nagkagirian ang mga pulis at mga miyembro ng KOJC sa operasyon sa pagsisilbi ng arrest warrant laban sa pastor.

Facebook Comments