Pastor Apollo Quiboloy, hinamon ng DOJ na humarap na sa korte para maiwasan ang mga binabatikos na pagsisilbi ng warrant of arrest

Hinamon ng Department of Justice (DOJ) ang kontrobersiyal na si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na kusang lumutang sa korte.

Kasunod ito ng pagsisilbi ng arrest warrant kamakailan sa ilang mga pag-aari ni Quiboloy sa Davao City na binatikos ng ilan dahil sa umano’t kalabisan sa panig ng pulisya.

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, maiiwasan sana ang mga ganito kung isusuko na ni Quiboloy ang kaniyang sarili.


Kung wala aniyang basehan ang mga kaso ay idedeklara din naman silang mga inosente.

Kabilang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte sa kumondena sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanilang kaibigang pastor.

Facebook Comments