Walang magiging special treatment kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos na mapasa-kamay ng mga awtoridad kahapon.
Sa ambush interview kay PBBM, sinabi nitong ita-trato na kagaya ng mga ordinaryong nakakulong ang pugateng religious leader.
Kasunod nito, tiniyak nang pangulo na magiging transparent ang pamahalaan sa mga proseso habang nagbabala naman ito sa mga tumulong kay Quiboloy na maaari ding managot sa batas.
Samantala, iginiit naman ni Pangulong Marcos Jr., na hindi sumuko si Quiboloy, taliwas sa sinasabi at iginigiit ng kampo nito.
Ayon kay PBBM, napilitang lumabas si Quiboloy dahil malapit na itong makuha ng mga pulis.
Tumagal ng 16 na araw ang paghahanap at paggalugad ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kay Quiboloy sa loob ng KOJC compound bago ito maaresto.