Pastor Apollo Quiboloy, hindi patatakasin ng bansa -DILG

Siniguro ng Department of Interior ang Local Government na gagawin nito ang lahat para hindi maging “mala-Alice Guo” ang mangyari kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, hindi nila inaalis ang posibilidad na tumakas din ng bansa si Quiboloy na wanted sa mga kasong child sexual abuse at human trafficking.

Dahil dito, mas hihigpitan pa ng pamahalaan ang pagbabantay sa borders at ang protocols sa pag-alis ng bansa.


Dagdag pa ni Abalos, batay sa intelligence reports ay nananatili pa rin sa Pilipinas ang pastor.

Bukod aniya sa pagtunton kay Guo ay nakatutok din ang gobyerno para mahanap si Quiboloy.

Facebook Comments