Pastor Apollo Quiboloy, nahaharap sa sex trafficking charges

Nahaharap ngayon ang self-proclaimed appointed son of God at church leader na si Pastor Apollo Quiboloy sa sex trafficking charges.

Sa inilabas na 74 na pahinang indictment laban sa Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name founder na si Quiboloy, inakusahan ito na pinipilit ang mga batang kababihan na makipag-talik sa kaniya.

Kapag hindi umano pumayag ang mga ito ay pinagbabantaan pa na sasaktan at mahaharap sa “eternal damnation”.


Ayon pa sa U.S prosecutors, nasa 12 hanggang 25 ang edad ng mga biktimang kababaihan na ini-recruit umano para magtabaho bilang Personal Assistants ni Quiboloy.

Bukod kay Quiboloy, sinampahan din ng kaso ang dalawang US-based church administrators na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.

Si Quiboloy ay malapit na kaibigan at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte at itinuturing din nitong spiritual adviser.

Facebook Comments