Pastor Apollo Quiboloy, sasampahan ng magkakahiwalay na kaso sa Pasig City at Davao City

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magkakahiwalay na kaso ang isasampa ng prosecutors laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Remulla, kabilang sa mga kasong isasampa laban kay Apollo Quiboloy ay qualified trafficking at child abuse.

May kaugnayan ito sa mga nabunyag sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa sinasabing pang-aabuso ng evangelist leader sa ilang menor de edad.


Si Quiboloy ay nahaharap din sa patung-patong na kaso sa Amerika kung saan napasama pa siya sa Wanted List ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Facebook Comments