Galit na hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy na lumantad na at harapin ang mga akusasyong laban sa kaniya.
Sa ambush interview sa Rizal, sinabi ng pangulo na hindi tama na kwestyunin ng kampo ni Quiboloy ang motibo ng mga nag-donate ng pabuya dahil gusto nilang tumulong sa pamahalaan na mapanagot sa batas ang isang pugante.
Ang dapat aniyang gawin ni Quiboloy ay magpakita at sumuko sa mga awtoridad dahil ito naman talaga ang dahilan ng pagpapataw ng reward money.
Tumatalima lamang ng mga kanilang tungkulin kaya ngayon aniya ay siya naman ang magtatanong kung ano ang motibo ni Quiboloy sa kaniyang patuloy na pagtatago sa batas.
Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong child abuse at human trafficking at ₱10-M na patong sa ulo para sa agaran nitong pagkakaaresto.