Pastor, arestado matapos magsagawa ng bible study

18823

Kulong ang isang pastor na nagsagawa ng bible study sa isang chapel sa Aklan, sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa mga pagtitipon kaugnay ng banta ng COVID-19.

Kinilala ang pastor na si Ivan Yadao, 41, mula Barangay Dalipdip sa Altavas.


Ayon sa Altavas police, nagtungo ang mga opisyal ng barangay sa chapel nang mapag-alamang nagsimula ng bible study ang pastor na dinaluhan ng ilang kabataan at matatanda.

Sinita ng awtoridad si Yadao at ipinakita ang Executive Order ni Aklan Governor Florencio Miraflores ukol sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong lalawigan.

Sa halip na tumigil, kinuha at itinapon pa umano ng pastor ang kasulatan.

Dinala sa himpilan ng pulisya si Yadao na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10951 o Resistance and Disobedience.

Facebook Comments