Pastor, arestado sa pagsasagawa ng church service sa CDO

2545
Photo by Cagayan de Oro Regulatory Compliance Board

Inaresto ang isang pastor matapos maaktuhang nangangasiwa ng worship service nitong Linggo sa Cagayan de Oro, sa kabila ng umiiral na quarantine kontra COVID-19.

Kinilala ang nadakip na si Pastor Alfred Caslam ng The Word of God Spirit and Life Ministries, Inc., 58-anyos, residente ng Barangay Cugman sa nasabing lugar.


Ayon sa Cagayan de Oro Regulatory Compliance Board (CDO-RCB), tinatayang 500 indibidwal ang dumalo sa service na hindi sumunod sa physical distancing.

Sa isang panayam, sinabi ni Caslam na alam niya ang direktiba ng gobyerno sa pagtitipon at physical distancing, ngunit hindi niya inasahang dadagsa ang mga tao.

Kinuha ang listahan ng mga dumalo upang alamin kung mayroong patient under investigation o under monitoring sa kanila.

Nahaharap naman si Caslam sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 o Public Health Concern Act.

Facebook Comments