Ikinabigla ng marami ang pagkamatay ni Ptr. Jarrid Wilson, isa sa mga kilalang pastor ng Harvest Christian Fellowship, matapos nitong kitilin ang sariling buhay nito lamang Lunes, ika-9 ng Setyembre.
Sa inilabas na ulat ni Ptr. Greg Laurie, senior pastor ng nasabing simbahan, inanunsyo nito sa isang post ang pagkawala ng pastor at saka nagbigay ng isang pahayag na, “The Bible says, there is a time to mourn. This is certainty that time.”
Isinalaysay nito kung gaano kabuting tao ang pastor.
Ibinahagi rin niya sa kanyang post na bagamat nilalabanan ng pastor ang matinding depresyon ay naroon pa rin ang kagustuhan nitong tumulong sa mga taong nakararanas ng kaparehong sitwasyon.
Nadurog naman ang puso ng marami sa naging pahayag ng asawa nitong si Juli Wilson sa kanyang Instagram post kung saan ipinakita nito ang isang video ng asawa kasama ang kanilang anak habang nasa baseball practice ng anak na lalaki, mismong araw na nagpakamatay si Jarrid.
Samantala, isang araw bago magpakamatay ang pastor, sinabi nito sa kanyang twitter post, ang pananampalataya raw ay hindi parating ‘cure’.
Loving Jesus doesn’t always cure suicidal thoughts.
Loving Jesus doesn’t always cure depression.
Loving Jesus doesn’t always cure PTSD.
Loving Jesus doesn’t always cure anxiety.
But that doesn’t mean Jesus doesn’t offer us companionship and comfort.
He ALWAYS does that.
— Jarrid Wilson (@JarridWilson) September 9, 2019
Napag-alaman rin ng ilang oras bago nito gawin ang suicide, humingi pa ng panalangin ang pastor dahil siya ay mag-oofficiate ng funeral ng isang babaeng Kristyano na umanoy nagpakamatay rin.
Si Ptr. Jarrid Wilson, 30-anyos, ay pastor ng Harvest Christian Fellowship na mayroong nasa 15 000 na miyembro sa loob ng 18-buwan.
Kilala ito bilang isang mental health advocate kung saan naghahatid ito ng mga sermon tungkol sa mga mental health issues.
Katunayan ay mayroon pang binuong outreach group ang pastor na pinangalanan nitong ‘Anthem of Hope’ para tulungan ang mga taong nakararanas ng depresyon at mayroong suicidal thoughts.
Marami ang nagbibigay ng pakikiramay kabilang na ang mga kapatid ng pastor sa pananampataya na labbis na ikinagulat ang pangyayari.
Samantala, matatandaang noong nakaraang taon lamang, isa ring pastor mula sa Inland Hills Church sa California ang nagkitil ng buhay dahil sa nararanasang depression and anxiety.