Pastor at Mister, Huli sa kasong Pakikiapid at Tangkang Panggagahasa

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang pastor na Top 8 Most Wanted Person municipal level dahil sa kasong tangkang panggagahasa sa Solana, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Solana, kinilala ang suspek sa alyas na “Dionaldo”, 51-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Dinakip ang pastor ng mga tauhan ng PNP Solana, Provincial Intelligence Team Cagayan, Regional Intelligence Unit sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Orlando Beltran ng RTC Br. 2 Tuguegarao City na may petsang Pebrero 22, 2001.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng suspek kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P120,000.

Samantala, timbog naman ang isang mister sa sa Barangay Minanga, Camalaniugan, Cagayan dahil sa kasong “Concubinage” o pangangalunya.

Kinilala ang suspek na si German Guiang, 49-anyos, may-asawa, isnag drayber at residente ng nasabing lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Nora Medinacelli-Dorado, Presiding Judge ng MTC Camalaniugan, Cagayan.

Inirekomenda naman ng korte ang halagang P30,000 ana piyansa ng suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang mga suspek ay nasa pangangalaga ng mga awtoridad para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Facebook Comments