Inaresto ng mga tauhan ng PNP Zambales ang isang pastor sa isang local church sa Botolan, Zambales dahil sa kasong panggagahasa sa kanyang mismong menor de edad na parishioner.
Kinilala ang inarestong pastor na si Richard Elmin, ng Church Leader of Jesus is the Christ Church at residente ng Purok 1, Brgy. Palis, Botolan, Zambales.
Batay sa ulat ni Police Col. Romano Cardino, Provincial Director ng Zambalez PNP, taong 2015 pa na inireklamo siya nang panggagahasa ng magulang ng menor edad pero nakapagtago ng halos pitong taon bago nahuli sa Purok 3, Brgy. Bancal, Botolan, Zambales.
Bukod sa reklamo ng menor de edad, may iba pang lumantad na mga biktima,
Sa ngayon, nakakulong na ang suspek dahil sa kasong five counts of rape.
Facebook Comments