Pastor, Patay Matapos Tumbukin ng Sasakyan!

Ramon, Isabela- Dead On the Spot ang isang Pastor matapos banggain ng
sasakyan ang kanyang minamanehong tricycle pasado ala una ng madaling araw,
Marso 20, 2018 sa barangay Raniag, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Daniel Dalgo, may asawa, isang Pastor at
residente ng Brgy. Dumayco, Penarrubia, Abra habang ang suspek naman ay
kinilalang si Junival Agonoy, 25 anyos, may asawa, driver, at residente ng
Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News sa PNP Ramon, Parehong
binabagtas ni Dalgo ang lansangan lulan ang kanyang minamanehong tricycle
at ni Agonoy lulan naman ang kanyang minamanehong Toyota nang biglang
mabangga ni Agonoy ang sinusundang tricycle ni Dalgo.


Sa lakas na impak nang bangaan ay humiwalay ang sidecar ng tricycle ni
Dalgo na naging sanhi ng kanyang pagkaka-tilapon at pagtamo ng malalalim na
sugat na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Boluntaryo naman umanong sumuko sa pulisya si Agonoy habang inihahanda na
ang kakaharaping kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and
Damage to Property laban sa kanya.

Sinubukang kunan ng RMN Cauayan News ng pahayag ang suspek subalit
tumangging magbigay ng pahayag.

Nasa kustodiya na ng PNP Ramon ang dalawang sangkot na rbehikulo para sa
kaukulang disposisyon.

Cauayan, Ramon, Isabela, Luzon

Facebook Comments