Pastor Quiboloy, hindi dumalo sa video conferencing sa preliminary hearing sa kanyang kasong qualified trafficking

Kinumpirma ni Philippine National Police o PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na hindi nakadalo sa video conferencing ng preliminary hearing si Pastor Apollo Quiboloy.

Kaugnay ito ng kanyang kasong Qualified Human Trafficking sa Pasig city Regional Trial Court Branch 59.

Dahil dito, ang dumalo lamang ay ang kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon.


Sa pagdinig kanina ay nagkaroon lamang ng markings sa mga exhibit pero hindi ito natapos.

Kinumpirma naman ni Atty. Torreon na pending pa rin ang kanilang kahilingan na hospital arrest para kay Quiboloy.

Maghahain pa aniya sila ng mga karagdagang mosyon para patunayan na urgent ang hospital arrest kay Quiboloy.

Itinakda naman ng korte ang pre-trial sa kaso sa October 17.

Facebook Comments