Pastor Quiboloy, nagmamay-ari ng 19 na mga baril – PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagmamay-ari ng mga baril si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, 19 na baril ang pag-aari ni Quiboloy.

Mula sa nabanggit na bilang, isa aniya sa mga armas nito ang paso na ang lisensya nitong buwan ng Marso habang ang iba ay valid at existing pa ang lisensiya.


Sinabi ni Col. Fajardo na aalamin niya sa PNP Firearms and Explosives Office kung maaaring maging basehan ang kinakaharap na kaso ni Quiboloy para suspendihin ang lisensya ng kanyang mga baril.

Sa ngayon sinabi ng opisyal na tuloy-tuloy ang ginagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa church leader para isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Davao RTC.

Naniniwala rin ang PNP na hindi pa nakakalabas ng bansa si Quiboloy.

Facebook Comments