Nananatili pa rin sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao city ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang kinumpirma ni PRO 11 Regional Director PBGen. Nicholas Torre III sa isang ambush interview sa Camp Crame.
Ayon kay Torre, malaking hamon sa kanila ang pag-aresto kay Quiboloy dahil sa laki ng pinagtataguan nito.
Aniya, nasa 30 hektarya ang compound ng KOJC na may 41 structures kung saan mayroon pa itong dome na may apat na Araneta Coliseum ang laki.
Paliwang ni Torre, lahat ng indicators na nasa loob ng KOJC si Torre ay positibo base sa mga nakalap nilang impormasyon.
Kasunod nito, sinabi ni Torre na may strategy na sila sa paghahain ng warrant of arrest laban kay Quiboloy pero hindi nya muna ito idinetalye upang maging maayos ang pag-aresto sa puganteng pastor.