Pastor Quiboloy, pinalulutang ng isang kongresista para patunayan na hindi totoo ang kinahaharap na mga paratang

Hinamon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ Church na lumutang na para harapin ang kanyang mga kaso sa Pilipinas at sa Amerika.

Giit ni Castro kay Quiboloy, itigil na ang pagiging “feeling-ngero” at paglalatag ng kung anu-anong demand na kapag pinagbigyan ng gobyerno ay tiyak na magiging katawa-tawa tayo sa international community.

Ayon kay Castro, sa halip na ipagpatuloy ang pagiging pugante ay dapat humarap na si Quiboloy sa mga pagdinig ng kanyang kaso dito sa Pilipinas at sa US lalo’t pinapangalandakan nito na siya ay inosente.


Ipinunto ni Castro, na sa patuloy na pagtatago ni Quiboloy ay lalo lang nitong pinatutunayan ang kanyang pagiging guilty.

Facebook Comments