Pastor Quiboloy, pinasusuko na ng PNP

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na bigyan respeto at harapin ang warrants of arrest na insiyu ng Korte laban sa kanya.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief Col. Jean Fajardo, ito’y makaraang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 5 akusado na kasama ni Quiboloy para sa kasong sexual abuse.

Tatlo sa mga ito ang nakapag lagak na ng piyansa kahapon habang ang 2 pang sumuko ngayong araw ay inaasahang makakapagpiyansa na rin.


Si Quiboloy na lamang aniya ang nananatiling at large sa kasalukuyan.

Nakiusap na rin ang PNP sa mga kaibigan at supporters ng church leader na tulungan silang pasukuin si Quiboloy at tiniyak naman ng pulisya na rerespetuhin ang karapatang pantao ni Pastor Quiboloy.

Facebook Comments